"Hindi naman ako nawala"
by:Au
Hindi naman ako nawala hindi mo lang ako naramdaman.
Yung sinabi mo na ika'y aking iniwan?
Nagkakamali ka lang, sadyang sa akin ay wala kang pakialam.
Ako'y nawala oo dahil ako'y kahit kailan hindi naman nagka lugar sa puso mo.
Naririto lang ako pamalit sa mga nangingiwan sayo.
Hindi ako nawala sadyang manhid ka at hindi mo ako madama,
Ngayon na ako'y nag papa-alam bakit nakaharang ka?,
Diba ako'y parte lang ng iyong mapanlinlang na mahika?
Itinuring mo akong isang kasangkapan,
Kasangkapan na hindi mo pinahahalagahan,
Isang bagay na tila laruan, trumpong pa ulit-ulit na pinapaikot hanggang sa iyong pag sawaan...
Ako'y hindi nawala, ako'y napagod lang na iyong paglaruan.
*Dahil lahat ng bagay ay nasisira at lahat ng nawawala ay napapalitan,
Ngunit ang sakit ay mananatiling bakas sa masakit na nakaraan...
- JoinedMay 31, 2017
Sign up to join the largest storytelling community
or