I hope everyone is having a good night or day kahit na sa sitwasyon ng bansa natin ngayon. Alam kong paulit ulit n'yo na itong naririnig pero sasabihin ko pa rin. Laging maghugas ng kamay, mag-alcohol or hand sanitizer, takpan ang bibig kung hahatsing, takpan ang bibig kung uubo, huwag dumura kung saan saan, gumamit ng tisyu kung sisinga at itapon agad ito sa basurahan, ugaliing uminom ng maraming tubig at magdasal sa Diyos. Humingi tayo ng tulong sa Diyos.
Huwag din tayo puro batikos sa gobyerno. Ginagawa na nila ang lahat para sa atin kahit na minsan ay palpak sa paningin ninyo. Huwag din tayong naniniwala basta basta sa mga nakikitang balita sa internet. Dapat ay makinig at sumunod tayo sa mga awtoridad, minsan ay huwag tayong feeling matalino.
Magiging okay din ang lahat. Trust HIM