Magandang buhay mga WAPP:
Nababasa ko lahat ng posts ninyo dito, pati ang mga comments niyo dito at sa facebook ko sa pamamagitan ng pag-private message sa'kin. Hindi talaga ako pala-reply, pasensya na. Salamat nang hard sa oras ninyo para sa akin. Salamat sa suporta at sana huwag kayong magsasawa sa akin.
Ako lang si princess_joe kapag nagsusulat ako, kapag hindi ay katulad ninyo lang din ako na may obligasyon sa sarili ko, sa pag-aaral. Kaya mabagal akong mag-update. May mga ginagawa rin kasi ako bukod sa pagsusulat.
At kahit anong busy ko kelangan ko pa rin ng oras mag-isip, mag-imagine at magplano sa kung ano ang isinusulat ko. Kaya please be patient. Hintayin niyo nalang ang update ko. Ginagawa ko lahat para mapaganda at mapabilis pa ang update sa abot ng aking makakaya.
Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta at sa mga susuporta pa! (*^~*^)
Lovelots and God Bless us always! (*^~^*)
-princess_joe❤️