LavenderPen
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
Magpahinga ka na Bes, wala na ang sakit. Wala na ang paulit-ulit mong pagtitiis ng pait. Malaya ka na, malayang-malaya na. Hindi kita makakalimutan, ang ating mga pinagsamahan. Hindi man tayo nagkita nang mata sa mata, nakausap naman kita. Hindi ko makakalimutan ang iyong napakalambing na tinig, ang boses mo na marinig ko lang ay agad na akong kakalma. Walang katumbas na salita ang sakit at ang panghihinayang sa iyong maagang pagkawala. Alam kong hindi maglalaon ay matututunan rin namin itong yakapin at tanggapin. Salamat sa mga oras na sa akin ay iyong inaksaya. Salamat sa mga payong sa pakiramdam ko ay nagpagaan. Salamat sa mga usapang kung matapos ay madaling araw na. Salamat sa limang taon, bes. Sa limang taon na sa akin ay pagpapasaya. Sana ay napasaya rin kita sa mga taong iyon. Sa limang taon na sa bilis lumipas ay hindi natin namalayan na dalawa. Naging tagahanga ka ng aking mga kwento, naging tagahanga naman ako ng mga tula mong may sakit, may kurot at may sapak. Salamat sa mga birthday greetings mo sa akin, sana napasaya rin kita sa mga pagbati ko sa'yo. Salamat sa pagsalo sa maliliit na tagumpay ko. Salamat sa mga 'i love you' mo, salamat sa mga pag-aalala mo sa akin at sa paulit-ulit na panalangin na sana kapag umuwi ako galing ng trabaho ay hindi umuulan. Late man akong nagre-reply sa'yo, hindi ka pa rin nagsasawang palaging hintayin ang magiging sagot ko dito. Aming puting rosas sa parang ng malawak na taniman. Mga talutot mo man ngayon ay tuluyan nang nalagas at nalanta, ngunit sa iyong kinaroroonan ngayon, pakiusap patuloy kang mayuming ngumiti at mamukadkad. I will always love you OrkidaFinn, my vampire best friend. Araw-araw din kitang mami-miss. Your Alien best friend, ~LavenderPen