Kamusta? Ang tagal kong walang update dahil na-busy na ako. Ang plano ko sa tatlong story ko na nasa Draft pa, kasama ang Secret Boyfriend. Isang bagsakan na lang para wala ng matagal na paghihintay kada kabanata. Walang usad sa story kasi nawala bigla passion ko sa pagsusulat at natuon lahat sa online games at sa iba pang bagay. Gusto ko lang malaman kung may tatangkilik pa ba ng mga istoryang ginagawa, o gagawin ko pa sa hinaharap. Na-miss ko sobra ang pagsusulat, pero tinamaan talaga ng lintik at ayaw ako sampalin ng kasipagan, haha. Aasahan ko ang suporta niyo, at sana hintayin niyo ang pagbabalik ko :)