subwey
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
malakas na buhos ng ulan ang bumungad agad sa akin paglabas ko sa coffee shop, "sht. umalan pala? wala akong dalang payong, ang bad timing naman." reklamo ko. wala na kong nagawa kundi suungin ang ulan at tumakbo papunta sa pinakamalapit na book store. basang basa ako ng makapasok ako doon, nakita ko ang pagtingin ng mga ibang bumibili pero di ko pinansin at agad na hinanap ang hinahanap ko, malapit na kasing maubos ang stock non. nang makita ko na ang hinahanap ko, isa na lang ang nakalagay don kaya dali-dali akong tumakbo papunta doon na parang maagawan. malapit ko na sanang maabot yon ng biglang may kumuha non, "hoy akin na yan!" sabi ko sa lalaki at pilit na kinukuha ang libro.