"Dating Kaibigan"
By:
Akala ko'y ika'y aking kaibigan
yun pala ika'y kabaliktaran
Akala ko'y ikay tapat na kaibigan
at ika'y aking pagkakatiwalaan
Pero akala ko lang pala lahat Kaibigan.
Kasalanang hindi alam ang pinagmulan
Kasalanang hindi ko ginawa ng lubusan
Mga bagay na hindi ko sinsadya gawin
at ako ang sisisihin.
Pagmamahal sa kaibigan pero aking naramdaman
Ako lang pala ang nagmamahal sa kanila at hindi sinusuklian
Minsan mapapaisip ka na lang kung nag pakatotoo ba ?
o tinuring ka ba talagang Kaibigan.?
Kahit masakit isipin ang Katotohan.
Ito'y tanggapin na lamang.
Napagtanto ko na hindi nga talaga niya/nila ako tinuring na kaibigan
Napagtanto ko din na kilala lang niya/nila ako pag may Kailangan.
Ang alam ko ang nagpapakatotoong kaibigan
ni anong problema o kasalanang nagawa mo ni minsan
hindi ka kayang bitawan ,kalimutan,at mas lalong di ka kayang Iwan.
Tatanggapin ka kung ano at sino kaman
kung tunay silang kaibigan
itatama niya/nila pagkaka mali mo at tutulongan
tutulongan ka nila makabangon sa iyong kamalian
Yung mga masasayang araw na kasama mo sila ay isang ala-ala na lang ngayon.
Yung itinuturing mong kapatid ay bigla na lang nawala at di mo na kasama ngayon.
Yung tipong sobrang sakit mawalan ng kaibigan
Sobrang sakit kasi ito ay ala-ala na lamang
At ito'y dapat ng Kalimutan aking Kaibigan.
Ano ang aking gagawin?
Dadaan na lang sa panalangin
Pagkat ito ay diringgin
Ng nasa itaas na ama natin☺️
-End