ParkBhemin_95
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
@WattPatimpalak Punyal Kasabay ng pabuhos ng malakas na ulan Siya rin hudyat ng pagapaw ng nararamdaman Kasing lakas ng kulog ang bawat sigaw Na patuloy paring umaalingawngaw Tuluyang nailabas ang salitang hindi dapat Dahilan para ang aking sarili ay magulat Sa mga salitang binitawan na nagiwan ng marka Marka na mas masakit pa sa kalmot at sampal sa mukha Bakas sa mata ang sakit na naparamdam Sa mala-espadang dila hindi ko inasam Nainis lamang sa salitang hindi ko inaasahan Lalabas sa bibig mo't mukhang pang nangaasar Minsan katahimikan ang kailangan paganahin At sariling damdamin munang ang ating unahin Di sapat paghingi ng tawad at paumanhin Sa sugat at lason na patuloy paring dadamhin Kasalanan ko ba kung ako'y sensitibo? Sa mga salitang binitawan mo tingin ko ay negatibo Na akala niyo ito ay mga nakakatawang biro Ngunit parang punyal ito sa aking puso