PeerlessFeline

Gusto ko sana mag-post ng bagong story, kaso wala akong maisip/makitang magandang cover. HAHAHAHAHA

PeerlessFeline

Importante ang formula sa pagbuo ng isang kuwento, katulad ng kung gaano kahalaga ang paggawa ng story outline. Pero pakatandaan, kadalasan ay hindi nasusunod ang mga ginagawang outline. Gan'un din sa formula. 'Wag nating 'masyadong' sundin para hindi malimitahan ang ating imahinasyon.
          
          PS. Minsan kasi masaya kapag first chapter pa lang, may love scene na. Hahahaha. <3

PeerlessFeline

Minsan po talaga nagsusulat ako ng walang plot, character outline at conflict. Tipong may naisip lang akong isang eksena, and from there, magsisimula na akong gumawa ng kuwento. Medyo mahirap yung ganun kasi unlike sa isang nobela na may solid na story outline,  lagi kang nade-dead end. Hindi ka tuloy-tuloy sa pagsusulat at dumadami ang loopholes. Nakakaloka siya, pero dahil gusto ko talaga yung eksena na yun, ipipilit ko siya kahit hirap na hirap ako. Mehehehe. Ganern talaga. <3