Mga bhe, pasensya na kayo kung may ma-receive kayong notifications na nauulit ang pag-update ko sa mga published chapters. Ni-i-edit ko kasi. Alam n'yo naman po na phone po ang ginagamit ko sa pagsusulat, kaya marami talaga akong hindi nano-notice na mga errors.
Pasensya na rin kung ang 'yong lingkod ay super slow mag-update. Sobra ko talaga na-appreciate ang reads, votes, follow, ni-add sa RL nila ang HMAAV, at ang mga good feedback n'yo about sa story. Kaya maraming-maraming salamat po talaga sa inyo.
Pasensya na rin kung minsan hindi ako nakakapag-reply back sa mga comments n'yo. Hindi po ako snob. Hindi lang po halata pero mahiyain lang po talaga ako at hindi magaling sa pakikipag-interact. Kung alam n'yo lang po ang kilig na nararamdaman ko sa bawat reads, good comments, follow, etc. na natatanggap ko galing sa inyo.
Anyways, I decided na hindi na po sweet cakes ang itawag ko sa inyo. Nalaman ko kasi na may co-writers din ako na 'yon din ang tawag niya sa readers niya. Kaya naisip ko na 'ceelin' na lang ang itawag ko sa inyo. Yes po, ceelin na vitamins kasi kayo naman po talaga ang nakakapagpabigay bitamina ng buhay ko. Charr. Sorry kung corny. Basta 'yon na.
'Yon lang po. Thank you sa pagbabasa. ( kung mayroon man ) God bless and have a good day everyone!♥
PS: Pasensya na kung mahaba 'to. Pagbigyan n'yo dahil minsan lang din ako mag-sulat sa message board.