November/16/2015
Aaminin ko sobrang tinatamad na ko mag wattpad. Kung dati halos araw-araw akong nag susulat ng mga story about sa mga basketball idol ko, ngayon hindi na. Ewan ko ba parang nakakawala na kasi ng gana. Hanggang sa dumating ang araw na to. Nov. 16. 2015. Habang nag liliwaliw ako sa ibang social media accounts ko, biglang lumabas sa notification ko na may nag mesaage daw saakin sa wattpad account ko. Nung una parang ayoko basahin kasi tinatamad na talaga akong mag wattpad pero parang may nag udyok sakin na basahin to.
Hi! This is Ella Pascua. I was just searching Jjay's name in Google and your story popped up. Thank you, we appreciate it.
-Anonymous.
Yan yung laman ng message. Nung una di ako naniniwala na si Ate Ella yun. Sino ba naman yung story ko para bashin nya diba? Sya kaya si Ella Pascua, girlfriend ng isa sa mga starplayers ngayon ng NU Bulldogs.
Kaya para linawin, nag message ako lay ate Ella sa Instagram account nya at confirm. Sya nga! Sobrang saya ng convo namin. Nagkwento sya ng totong nangyari sa lovestory nila at puro puri tungkol sa story ko ang natanggap ko galing sakanya.
Shet lang. Ngayon ko lang naman yung side nya na yon. Habang nagku-kwento sya, sobrang kinikilig talaga ako. Grave lang.
Dahil don. Parang nagbago na yung desisyon ko dati na idelete nalang yung mga story ko kasi wala namang nagbabasa non. Salamat talaga kay ate Ella Pascua. Sobrang kind nya. ❤