Check this out!
Author: @sulathaime
Title: HSL Freshmen http://www.wattpad.com/story/28543636-hsl-freshmen
Category: High School Fiction, Teen Fiction, Feel Good Romantic Comedy
Description:
High School Life ang pinaka-memorable na time ng buhay natin. Lahat ng first natin ay halos sa high school life nating nangyari: first kiss, most embarassing moment, unang crush, unang rival, suntukan, sabunutan, kasiyahan at marami pang iba. Pero kung may isang bagay na pinaka-importante sa buhay high school natin, yun ay walang iba kundi ang mga aral na natutunan natin dito at babalik-balikan natin sa mga susunod na taon kapag wala na tayo sa high school.
Magsisimula ang buhay HS ni Kwerts sa simula ng pagtungtong niya sa High School, S.Y. 00-01 bilang isang Freshman at pagdadaanan niya lahat ng mga bagay na pinagdaanan natin noong High School pa lang tayo. Mula sa mga iba’t-ibang mga ugali ng mga classmates, mga teachers na nagwo-walk-out o sobrang strikto hanggang sa mga school activities na naglalabas ng mga totoong damdamin ng bawat isa. Mga activities na pwedeng magbuklod ng mga bagong kaibigan o sumira sa matibay na samahan. Mula sa mga tagpo ng kakiligan, hanggang sa tagpo ng kasablayan.
Hindi lang buhay ni Kwerts o ng mga tauhan sa loob ng mundo ng High School kung nasaan sila, kun’di ito ang buhay natin noong high school, na ngayon ay pagdadaanan nilang lahat sa panahong nagsisimula pa lang ang pagbabago sa mundo natin.
Thanks and God Bless!