Diclaimer: This is a review as their client not a critic. Lol.
First off, I just want to say thank you to the people behind the Pluma Team. You guys did a good job in terms of critiquing a story. Proven and tested na. Masasabi kong maswerte ako dahil nakilala ko kayo.
Second, to the one who critiqued my story, Roommate Romance, Ax, thank you for your honest words. Sa ilang linggong nakakausap ko kayo—ikaw—at sa mga istoryang na-critique mo na, masasabi kong pawang katotohanan talaga ang mga nabasa ko sa iyong critiqued. Pinuna mo ang mga magagandang bagay, kailangan pagtuunan ng pansin, at nagbigay ka rin ng iilang suggestions para mas ma-improve pa ako as a writer and the story itself. So, thank you talaga.
Lastly, para sa mga hindi nakakaalam, isa po ako sa mga part-time critic ng Pluma's Critique Shop. Sumali ako bandang Batch 2. And if you're really looking for a critique shop who gives justice to your story, don't hesitate to give them a try. They're not professional pero makakasigurado naman kayong may sapat silang kaalaman at alam talaga nila ang kanilang mga ginagawa. Hindi katulad ng mga nagsilabasang shop ngayon na naaawa na lang ako dahil bukod sa dinudungisan nila ang istoryang pinaghirapan ng isang manunulat, pinapababa pa ang self-confidence ng mismong writer.
I'm not saying those things dahil parte ako ng shop na 'to (well, kinda) pero dahil 'yon talaga ang na-observe ko.
Kaya ngayong nalalapit na pagbubukas ng Batch 3, sana mabigyan niyo kami ng chance na mabasa ang mga istorya niyo!
Again, thank you, Pluma Team!