“Ang ganda mo sana, pero lalaki ka.” Mayabang na wika niya.
Umirap ako, pakiramdam ko lalabas na ang mata ko kakaikot dahil sa pagkainis sa kanya. “Ang gwapo mo sana, pero ang pangit ng ugali mo.”
Ngumisi siya. “Gwapo ako? Do you like me?” Tanong niya, tunog nagyayabang. Ininsulto ko siya pero ang narinig lang niya yung salitang 'gwapo'
At sino namang hudas ang bumulong sa kanya nyan? Kahit adik samin, hindi ‘yan maiisip, siya lang bukod tanging may ganyang pag-iisip.
I tilted my head. “Ang alam ko yung kalyo sa paa tumutubo at sa kamay—” I paused. “Pero yung sayo unique, ha? Sa mukha tumubo… ang kapal, e.”
“Kalyo, what?” inis na tanong niya sakin.
Ngumisi ako. “Mama mo kalbo.”
Tumaas ang kilay niya. “Excuse me?”
Gumilid ako sa gilid ng daan. “You're excuse, daan ka na.” Ngisi ko.
Kumamot siya kilay at mukhang naiinis na sakin. “You know what? Whatever.” He said tapos pumasok na sa gate nila at nagdadabog itong isinara.
Between City Lights and Fireflies | Chapter 1 is now posted!
https://www.wattpad.com/1640565944?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=PresidentWoman