Salamat sa nakakakilig na comment sa Nagpatukso :">
About sa mga tanong:
1. How come Sin's mother didn't become raging mad after knowing her pregnancy?
~ Sa isip kasi ni Erica, nangyari na sa kanya `to. At ayaw niyang mangyari yung nangyari sa kanya noon tungkol sa family issues. May sakit sa loob, syempre. Pagsisisi, ganern pero nakakaramdam na rin kasi siya noon pa, kaya parang sa sobrang tagal niyang nalaman, naglaho na yung galit.
Marami rin siyang pagkakamali. Kapag nagalit siya kay Sinteya, hypocrisy na :(
(Nakikita ko rin Mama ko kay Erica. Feeling ko hindi siya magagalit sa amin kung mag early pregnancy kami. Pero feeling ko lang yun kasi wala namang buntis sa aming magkakapatid haha)
2. Why are Sin's parents not giving her a barrage of questions about the child's father?
~ Kasi kita nila kay Sinteya na wala talaga itong balak sabihin. At marami rin silang nilihim sa anak nila, again, hypocrisy kapag nagtanong sila nang nagtanong at pinilit ang sagot.
Plus, walang sikretong hindi nabubunyag (wat haha)
Again, salamat ulit sa comment. Nakangiti ako all throughout sa pagbabasa :">