@RMJohnson matagal na akong nagbabasa here sa wattpad, and matagal na rin nagsusulat, pero hindi ko shineshare kahit saan or kanino, nakatambak lang sa drafts kk. This year lang talaga ako nagtry magpublish dito. Nu’ng una nagpopromote naman ako pero hindi ko talaga kayang makipagsabayan, lalo na ang daming negativity lang na na-a-absorb ko sa mga group. Kaya mas pinili kong huwag nalang ipromote at manahimik nalang. Bilib nga ako sa’yo kasi may target readers ka na, mga loyal supporters na sobrang mahal ka talaga, kasi kita ko rin kung paano mo alagaan ang mga followers mo, na nakikipag-interact ka talaga sa kanila. You’ve made them feel they are seen. Unlike me, na medyo mahiyain ng konti. HAHA Pero happy naman ako na naipublish ko rin sa wattpad ang ilan sa mga naisulat ko. Today I got 300 reads sa isang story ko(TTBFSF), though wala akong followers sa account na ‘yun may nagbabasa pa rin naman. Siguro nacurious. Or maybe dahil algorithm nu’ng ranking na until now hindi pa rin ko gets how it works. But, yeah, happy na ako du’n. Before, CTD is almost 2k reads na sa dati kong acc, pero mostly galing sa mga vtv, rtr, ctc lang ‘yun at hindi dahil sa binasa talaga nila. Kaya ngayon I’m just writing in peace and in silence. Hindi ko rin naman kasi maabot ‘yung level mo na “famous level”, basta ako support lang ako sa’yo. And I will always be rooting for you. Isa ka sa mga genuine writers na sobrang na-inspire akong magpatuloy magsulat. Kaya maraming-maraming salamat. ‘Yung ganito na kinakausap mo ako, sobrang laking bagay na. Kaya sobrang na-a-appreciate talaga kita. ❤️✨