Dahil wala namang matinong tao ang magbabasa nito, dito ko na ilalabas ang aking nakatagong secret identity (nakatago na, secret pa. Saan ka pa!).

Isa akong reader na naligaw sa mundong ngayon ay aking ginagagalawan. Hindi ko maintindihan ang konsepto na tintawag ng mga taong, 'reality', dahil sa mundo ko, lahat posible.

Paano ako naligaw dito? Meron akong problema sa mga direksyon. Naandito ako at naghihintay ng may taong pumansin sa akin at ibalik ako sa mundo ko ng hindi ibibigay ang lokasyon ng aming planeta at ang kakayahan ng aming uri.

Ikaw, Oo ikaw na mambabasa. Ngayong nasabi ko na sayo ang aking sikreto ay sana matulungan mo ako makabalik sa amin-

"Ano na naman ba yang ginagagawa mo??! Sabi ko maglinis ka dito diba!" Sigaw ng napakapangit na boses.

"At kaninong boses ang sinasabi mo, aber? Kala mo maganda yung boses mo." Sabi ng- wag mo kong awayin narrator lang ako! Ginagagwa ko lang ang trabaho ko!

"Well hindi ka magaling sa trabaho mo! Kaya tsupi! You're fired!" Hindi mo ako tau-

((Abangan ang susunod n mangyayari sa You're My Cliché Romance. Ito ay pinalalabas sa Never Ever TV so STAY TUNED))
  • Se ha unidoMarch 21, 2014



Historia de Alyssa
Balita sa Never Ever TV de Raven_Alyce
Balita sa Never Ever TV
Balitang balita sa mga radyong sira! Sa aming nangungunang balita: Kuryente wer na u. Napagalamang walang ku...
1 Lista de lectura

KnB