Hindi sapat ang bawat salita upang ilarawan ko ang aking sarili. Ako ang nagmamay-ari ng buong ako, ngunit ako mismo na nagpapagalaw ng aking buong kaibutura't gunita ay hindi batid ang tunay na ako. Tanging alam ko sa sarili ko ay mamuhay at mabuhay. Ingatan ang buhay ko lalo na ang buhay ng mga minamahal ko. Mahirap unawain ngunit ito ang totoo.

Kulang-palad marahil ako dahil sa pagiging mangmang sa sarili. Basta't ang nababatid ko ayon sa salaysay sa akin ay makulimlim noon, nag-aagaw sa pagiging makapangyarihan ang kulog at kidlat. Hating-gabi. Hirap na hirap noon umiri ang isang babaeng may mahaba at kulot na kulot na buhok, maputla sanhi ng dinaramdam, habang nagpaparoo't parito ang isang lalaki na binabalutan ng kumpul-kumpol na pawis sa buong mukha. Ilang sandali pa ay may narinig na iyak ng isang anghel na sanggol. Iyon ay ako. Lumaki akong may tira-tirang pag-ibig ng aking magulang. Ano pa ba ang inaasahan, pangsiyam ako sa magkakapatid, malamang, binuhos na nila ang kanilang puspusang pag-aalaga at pagmamahal sa panganay nilang anak. Ikaw ba naman na nabuo sa kislap, pananabik at nag-aalab na pag-ibig ng magulang, ikukumpara sa 'di inaasahan at nagsasawang pagbuka ni ina ng kaniyang maputing paa upang malasap ni ama ang pinto ng kaniyang kaluluwa, talagang mauuhaw at mauuhaw si bunso sa atensyon, pag-aalaga at mga bagong kagamitan dahil sino ba ang tagapagmana ng mga lumang kagamitan nina ate't kuya? Di kaming mga bunso.

Lumaki man ako na salat na salat sa pagsubaybay ng mga magulang, ayos lang sa akin 'yon, ngunit minsan napapaisip ako, tunay nga bang walang kaso sa akin iyon? Kung ganoon ay bakit ko pa ito binabanggit? Marahil nga ay may marubdob itong dahilan, subalit ano man ang dahilang iyon ay nananatili iyon palaisipan sa akin. Tanda nga ito ng aking kawalang-alam sa aking sarili.
  • Se ha unidoFebruary 12, 2018


Siguiendo

Último mensaje
Realeyez Realeyez Mar 08, 2018 02:47AM
Gud morning every one.. :)
Ver todas las conversaciones

Historia de Black.Egg
Realies de Realeyez
Realies
Minsan ang inaakala mong katotohanan ay ang siyang mapagkunwari at ang inaakala mong mapagkunwari ay ang siya...
ranking #123 en melancholy Ver todos los rankings
1 Lista de lectura