Cheating is not a mistake, Ashley. It’s a choice,” malamig kong sabi, nanginginig sa galit ang boses ko.
“Malandi ka lang talaga kaya hindi mo napigilan at naghanap ka ng bago. Putang palusot ’yan, tangina ka.”
Napaatras siya, parang sinampal ng katotohanan.
“Ikaw ang dahilan,” dugtong ko, madiin bawat salita, “kung bakit nilugmok ko ang sarili ko sa mga babae at sa bisyo. Binigay ko lahat sa‘yo, pero ikaw pala ‘tong sisira sa‘kin!” I added. Natahimik sina Red, Jerahmy at Ryker.
“Kaya pala nag punta ka sa US ng hindi ko alam? Tangina, Ashley! Nung gabing nalaman ko ‘yon, hinihintay ko ‘yong paliwanag mo pero mas masaklap na balita ang nakuha ko. Pumunta ka sa US para iwan ako, para takbuhan ‘yong kasalanan mo!” May namumuo ng mga luha sa mata ko na pilit kong pinipigilan bumagsak. Nanginginig ang labi at boses ko dahil sa galit na nararamdaman.
Sneak peak sa chapter 18 whehehhehehe