Paano ba simulan ang pagpapakilala sa sarili?
Tumambling kaya ako o humiga sa maraming basag na bote ng alak.? parang ang OA naman nun di ba?
Sa totoo lang, ayoko talagang magsulat ng tungkol sa aking sarili, unang-una ano ba ang pwede ko sabihin tungkol sa akin? WALA...as in wala....walang sense ang malaman ang mga ilang bagay tungkol sa akin. Hindi ito makakapagbigay solusyon sa problema ng ating bansa..O kaya sa problema mo sa pag-ibig...Lalo ng hindi ito ang makakapagpabalik buhay sa namatay mong kuko sa paa.
Kung yayain mo akong gumimik para makilala mo ako, mabibigo ka lang, hindi ako mahilig gumimik, Ok lang ako na maghapon na nakatambay sa bahay basta may internet lang. Mahilig akong kumain...Dati...pero ngayon diet na ako, ang hirap magtrabaho sa barko kapag medyo mabigat ang timbang mo...Oo, Seaman ako, pero hindi ako seamanloloko gaya ng iniisip mo, Pag seaman babaero agad? 'di ba pwedeng habulin lang talaga? hehehe...
Paano nga ba nagsimula ang hilig ko sa pagsusulat?
Hindi naman talaga ako mahilig magsulat..Trip-trip lang ito mga dodz, Hindi ako ganoon kagaling na writer kahit na noong nasa college pa ako at naging literary editor. Madalas nga lagi akong lumalampas sa deadliest deadlines sa pagpapasa ng mga articles...Ibig sabihin hindi ako ganoon ka-responsable tulad ng iniisip mo, pero malamang hindi mo naman talaga iniisip na responsable ako...assuming lang talaga ako paminsan...hehehe
Madalas nasasabihin akong suplado sa personal...wow!! feeling artista naman ako...pero yun talaga ang first impression ng mga tao sa akin, syempre hindi totoo yun, masarap nga daw akong kasama sabi ng mga daberkads ko. "Happy Go lucky" nga sabi ng iba. Masyado kasi maikli ang buhay para seryusohin...Dapat enjoy lang..chillax lang
Malamang hindi mo ako masyado nakilala sa mga nabasa mo, tulad nga ng sabi ko, hirap ako magpakilala, masyadong maraming words to describe my self...hehehe..
Dahil kulang ang mga characters...
Till next time na lang
Happy reading!!!
- Makati
- JoinedDecember 20, 2011
Sign up to join the largest storytelling community
or