Nagtapos sa kursong Bachelor of Arts major in Sociology na may 27 yunits sa Edukasyon sa Notre Dame University (NDU), lungsod ng Cotabato. Nagpakadalubhasa at natapos ang pang-akademikong pangangailangan sa Master of Arts in Education na may espesiyalisasyon sa Special Education sa Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), lungsod ng Maynila. Sa kasalukuyan, nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino sa programang Master ng Artes sa Filipino ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa lungsod ng Maynila.
Dating guro, summer school director, at tagapag-ugnay sa mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan ng Philippine Women's University - Jose Abad Santos MemorialSchool (PWU-JASMS) sa lungsod ng Quezon. Nakapagturo rin sa IngeniumSchool sa lungsod ng Marikina.
May mahigit na 20 taong karanasan sa pagtuturo at 33 taong karanasan sa pagsusulat. Maliban sa mga teksbuk ay nakapagsulatnarin sa mga pahayagan, komiks, magasin, at telebisyon.
Naging teksbuk evaluator ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), at ng Writers Studio- kapisanan ng mga manunulat sa pelikula at Telebisyon.
Dating punongguro sa Starland International School (main campus) sa lungsod ng Quezon. Sa kasalukuyan, isang guro sa Senior High School, Assistant Online Head, at Quality Assurance Specialist sa naturang paaralan.
Nanunungkulan din bilang manunulat, koordineytor, at editor ng Jhon Karen Hans Publishing, Inc.
- Quezon City, Philippines
- JoinedAugust 18, 2017
- website: www.facebook.com/profile.php?id=1632110606819825
- facebook: Ronald's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
RonaldEricMancesa
Aug 18, 2017 07:20AM
Sarili ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring ilathala ninoman sa anomang anyo at hugis nang walang nakasulat na pahintulot ng may-akda.https://www.wattpad.com/story...View all Conversations
Stories by Ronald Eric E. Mancesa
- 2 Published Stories
Saan Nagtatago ang Pag-ibig?
47
0
1
"Kung minsan sadyang mailap ang pag-ibig sa taong totoong nagmamahal..." Isang kuwento ng wagas na...
#24 in nagmamahal
See all rankings