Pagbabago
Noon, makikita mo ang mga tao naglalakad ng masaya,
Mga batang naglalabasan at naglalaro sa kalsada.
Ngayon, makikita mo na ang mga taong naglalakad na may pangamba,
Mga batang nakatutok sa iba't ibang gadgets dahil sa makabagong teknolohiya.
Kung noon ay may nagliligawan,
Sa harana dinadaan.
Kabataan ngayon sa facebook naghahanap ng kasiyahan,
Mga lalakeng ginagawa ang mga babaeng laruan.
Mga dilidiling mula sa nakaraan,
Inaasam - asam na maibalik sa kinaroroonan.
Lumipas ang ilang siglo,
Nagbago ang salitang abakada mula sa mga ninuno.
Kabataang hindi natututo,
At mga pamilyang hindi nabubuo.
Tingnan niyo ang pagbabago,
Pagbabagong ginawa ng mga sira ulo.