SchmoopyNumnums

Moving on beybeh. <3

SchmoopyNumnums

Kung pwede ko lang itapon 'tong pagmamahal ko sayo, dati ko pa ginawa. Nasayang lang ang panahon ng paghihintay na patuloy pa ring humihiling sa langit na sana'y kahit isang beses, makita ka at makasama ka. Na sana'y matanggal agad-agad ang nararamdaman kong ito lalo na, na ika'y malapit at patuloy at patuloy pa ring humahangad na mahalin mo ang isang katulad kong ordinaryong babae. Oo, maraming lalaking dyan pero habang tumatagal, mas umaasa akong balang araw, ikaw yung taong magdadala sakin sa simbahan at doon ay mangangako sa isa't isa na walang iwanan. Pero ano na? Mas gusto ko pang mahalin ang iba pero dahil sayo... dahil sayo unti-unting nadudurog ang puso ko at higit na nasasaktan... dahil ikaw pa rin ang pinipili ng puso ko... dahil ikaw pa rin ang dahilan kung bakit panay ang pintig ng mabilis ang puso kong wasak na wasak na at kahit kelan ay unti-unti nang mawawalan ng kulay. At dahil sayo.... nagkakaganito ako.