Kasi ngayon alam ko na, na hindi tunay ang pagmamahal mo. Una, dahil puro ka lang salita at hindi marunong bumitaw ng pangakong tutupdin. Pangalawa, hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang "PAGHIHINTAY" at "PAGSASAKRIPISYO" dahil puro lang SARILI ang iniisip mo. Pangatlo, hindi ka ata tunay na lalaki. Bakla ka dahil sa kinikilos at sa mga salitang lumalabas sa bibig mo. Alam mo bang ginusto kita dahil akala ko naiiba ka sa lahat? Na alam kong ikaw lang ang pupwedeng makagawa ng mga bagay na makakapagpasaya sa akin? Natatandaan mo pa ba nung pinaramdam mo na hindi ako yung babaeng hindi dapat sinasaktan at iniiwan, malamang hindi na dahil limot mo na lahat. LIMOT MO NA dahil napalitan na ng mga alaala mo sa ibang babaeng nakilala. Bakit nga ba ganito? Diba ikaw yung unang nagmahal sa'kin? Pinilit kong mahalin ka, at ayun na nga, nahulog ako -- at sa pagkakahulong kong yaon ay hindi ko inda na wala na palang sasalo sa akin. Matindi ang aking pagkakabagsak! Ang sakit, ang sakit!