Ngayon ay napagtanto ko na hindi ko kayang iwan ang account na ito at palitan ang penname na nagsilbing simula ko sa mundo ng Wattpad. Hindi ko man alam kung kailan pero alam kong babalik ako. Babalik ako sa pagsusulat—kapag handa na ako, kapag buo na ako, kapag nahanap ko na ang mga tamang salita.
Kaninang umaga ay naaksidente ako (dahil sa sarili kong kagagawan din). Nadulas ako mula sa angkasan ng motor, bumaba ng sasakyan, natumba at bahagyang naumpog ang ulo. Marami-rami na rin ang nangyari magmula nang iwanan ko ang mundo ng WattPad. Ngunit kung may napagtanto ako, isa na roon ang kagustuhan ko pang magsulat. Ang isulat ang nilalaman ng aking puso, na bagamat hindi ko pa lubusang maunawaan, ang alam ko lang ay GUSTO kong magsulat.
Muli, para sa sarili ko noon na patuloy nalilito at humihinto at bumabalik sa pagsusulat, magpapatuloy tayo...para sa mga kwentong nagnanais na masiwalat at masulat.
Nagmamahal,
LeydengM (nagbabalik)