Bakit ganon? Bago ko pinublish yung story ko, I have a lot of em dashes. Sa notes ng iphone para maka create ka ng em dash, magta-type ka ng dalawang hypen then magkukusa na siya maging em dash. Tas pagka publish ko sa wattpad, puro hypen nalang siya. Nagsusulat ako through notes sa iphone then nilalagay ko sa draft ko sa watty pagkatapos. After that, pag may gusto akong eedit sa chaps, sa laptop na ‘ko usually nag eedit. Then minsan pag gusto ko gumamit ng em dash sa laptop, sinesearch ko pa sa google ung em dash, then cinocopy paste ko siya sa draft ko para malagyan. Tapos ngayong pinublish ko, naging hypen nalang?? Edi sana ‘di na ko nagpaka-hirap mag copy paste sa google kung ganon lang din naman pala.