500 pesos for Noche Buena? Tapos kasya raw para sa apat na miyembro ng isang pamilya? I don't know if the DTI Secretary was on something—drvgs or just pure delusion—when she said that. Tapos sa price guide nila, 30 pesos na spaghetti noodles daw, eh kung may ganiyan—na wala naman talaga—pang-isang tao lang 'yang worth 30 php na noodles. All purpose cream, 36 php??? Hilo lang? 60+ na ang pinakamura niyan. At sino nakain ng pandesal sa handaan? Ano 'yon, almusal? Lumagpas pa sa 500 budget na sinabi. Sana inalis na 'yung pandesal para under 500 pa, 'di ba. Iyong gigil ko DTI kuhang-kuha niyo ಠ_ಠ
This is NEDA all over again. Jusko.