Sentimental_Journal

I'm going back to what I really love. But not now.

Sentimental_Journal

One week na lang pasukan na namin. Ang hirap para sa akin. Mapapalayo na naman ako. Kailangan kong mag adjust para sa mga pangarap ko. Pupunta ako sa isang lugar kung saan wala man lang akong kaibigan at kakilala. Tinatanong ko ang sarili ko kung paano ako magsisimula. Nasa tertiary na ako ng aking pag-aaral. Sabi nila, huli na pero ito ang pinakamahirap. Ibang iba raw sa highschool. Mamimiss ko ang highschool, yung mga panahong halos lahat kaibigan ko. Halos sa lahat ng pagkakataon hindi ako dinadapuan ng kaba. Napapaiyak na lang ako habang iniisip lahat. Isa akong sakiting tao na hindi kayang pagalingin ang sarili ng mag-isa lang, kailangan lagi kong katabi ang pamilya ko para umalalay. Ngunit ngayon, iba na. Ilang taon akong mamumuhay nang nakadepende lang sa sarili. Ito na ang desisyon ko, magsisi man ako, hindi ko na rin pwedeng pigilin. Wala na akong magagawa. Si Lord na ang bahala sa akin. Alam ko hindi Niya ako pababayaan.. Kailangan ko lang maging matatag.
          
          ★Incoming first year student here! ★BS Accountancy