Sorry everyone kung hindi muna ako makakapag-update ngayon. Medyo lumakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang ita-type ko para sana sa ud mamaya. May nag-message sa akin kanina at yun ang rason kaya hindi ako nakapag-isip ng maayos sa ngayon. Pinilit kong mag-type kaso yung pino-post niya ang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Ayokong magpa-epekto pero wala talaga eh, wala talaga akong maisip na ideya para sana sa kasunod na chapter.
Alam ko namang hindi ako famous pero sana naman hindi mang-down ng mga ibang authors na nagsikap sa pag-ud Hindi maganda ang nangyayari sa dalawang kilalang fandom pero sana hindi kami pagsabihan na huminto sa pagsusulat Hindi naman namin hiniling na maging ganito. Kasalanan ba namin kung maraming ideya ang pumapasok sa utak namin? Labas na kami doon dahil ang pakay namin dito ay ang magsulat at hindi makipag-away Nanahimik lang ako/kami pero may nagmemessage sa message board na ikinalungkot ko.
Ang hirap lang huminga sa tuwing iniisip ko ng paulit-ulit yung pino-post niya dito sa message board ko Sana naging masaya ka sa pangda-down mo. God bless!
Ayokong makipag-away kaya dini-delete ko ang comment niya pero nire-report ko siya. Ayokong makipagtalo dahil hindi naman ako cheap na tao pero nakakalungkot lang isipin na kahit ano pa ang gawin mong pag-iwas ay hahanapan at hahanapan ka pa rin nila ng butas.
To: @gwyumine .. Ihinto na yung ginagawa mo neng, wag ka nang dumagdag pa bilang isang toxic fan. Siguro, respetuhin mo nalang kami para maging okay ang lahat. Bahala kang mag-judge pero i-keep mo nalang yun sa sarili mo. Hindi yung, kung makapagdemand ka ay para bang may sahod kaming tinanggap mula sa'yo. Nakaka-disappoint ka masyado
PS: Hindi ako aalis ng wattpad, bahala na kung hindi ako famous. Hindi ako mag-update ngayon, bukas siguro kapag okay na ako. Salamat.