Pinakauna ko nabasa na gawa mo poh ay ang Secondhand Roses. 1st Year Highschool ako noon.
Kung hindi po ako nagkakamali---yung setting ng kwento ay Neuva Vizcaya yata (basta yung may mga Citrus poh)--hindi ko na maalala masyado, high school pa kasi ako noon at wala na sa akin ang hard copy. Hiniram ng kaklase ko pero hindi na isinauli.
Naalala ko, ni-research ko pa kung ano ang citrus kamag-anak lang pala ng orange! Tawang-tawa tuloy ako sa sarili ko. Curious masyado eh. Hehe
Nakakamiss magbasa ng gawa mo poh, last year noong huling bili ko ng mga pocketbooks, nagkaroon ako ng reprint nung kay Jillian and Bram's story.