Maraming klase ng relasyon. May long-time, short-time, casual, friends-with-benefits, at kung anu-ano pa. But what's this Mature relationship na tinatawag?
Is this when two people understand deeply each other? Yun bang naiintindihan nila kung anung gusto ng bawat isa at higit sa lahat kung anung kailangan nila. Yung tipong kahit hindi na sabihin, alam na kung ano ang dapat ibigay, hindi na kailangan hingin pa.
Hindi mature yung hindi lang nakareply sa text within 5 mins galit na. HIndi lang nasabi kung saan pupunta at kung sinong kasama, away na agad. Eto yung kahit hindi magreply within an hour cool parin at magtatanong ng maayos kung anung ginawa. Yung okay lang kahit saan magpunta at kung sinong kasama basta wala namang ginagawang masama.
Kahit lumabas kasama ng mga kaibigan, walang problema dahil buo naman ang tiwala mo sa kanya. Kilala mo man o hindi ang mga kasama nya, ang mahalaga nagpaalam ng maayos at hindi ka binibigyan ng kahit anung rason para magduda.
Mature relationship doesn't only include trust but also respect. Kung alam mong ayaw ng bf/gf mo, wag mong gawin. Kung alam mo naman na gusto talaga ng bf/gf mo, pagbigyan mo. Nag bf/gf ka para sumaya at hindi para hadlangan ka sa ibang bagay na ikinakasaya mo rin.
Ang hirap sa isang relasyon kung magset ng rules, kaliwa't kanan. Daig pa ang martial law. Para sa mga babae, bawal mag shorts, bawal mag tube, bawal mag mini skirt, bawal lumabas ng late, bawal mag bisyo, bawal lumabas ng may kasamang lalake, bawal gumimik, bawal lumabas with friends, bawal maglakwatsa, bawal maging friendly, bawal itext si ex, bawal replyan ang mga lalaking nagtetext, wag pansinin ang mga suitors, bawal ang lalaking kaibigan. Para sa mga lalake, bawal magdota, bawal mag-inom, bawal mag hang-out ng may chics, bawal ang babaeng kaibigan, bawal replyan ang mga papansin na babae, bawal kumausap ng ibang chics, at lahat ng kung anung bawal sa babae "PARA FAIR"