Hello po, may bad news po ako eh…
First of all kilala niyo si sissy mysie diba? Eh, hindi ‘to ako ngayon
Ako yung isa sa mga member ng group na ginawa nyang Rutherford Sisterhood. Sissy Gabrielle to be exact po.
Bakit ako ang nag-manage sa account ni Mysie?
Sa totoong buhay, pinsan ko po si Mysie, Bridgette real name niya. Actually, close kami kaya nung sabi niya saakin na gagawa siya nang isang group sa wattpad, support lang ako.
Ayun masaya kami na may nag-support rin at nag-join. Pero around feb, nagkasakit si Bridgette, No, may sakit na siya pero di niya sinabi saakin exept sa parents niya. Ayun, inactive ang account na ‘to pero…
Love na love ko ang pinsan kong iyon pero, nawala siya eh…as in she passed away. last na sabi niya saakin na alagaan ko daw sarili ko, mag-iingat at wag daw kayo kalimutan na mga ka-sissy ko.
Yung time na inaayos na yung mga gamit niya, nakita ko yung nakatago nyang notebook. Nakalagay lahat ng mga accounts niya pati password, oh di nag-iingat noh? Hehe.
Nakalagay don yung mga un nyo pati mga codenames. Wala akong ginalaw don pero naisipan kong buksan to para malaman niyo ang nangyari na bakit inactive si Mysie/Bridgette
Masakit sa part ko na nawalan ng mahal sa buhay, mabait kasi yun si Bridgette eh..matalino rin tas may alindog. Kaya sayang talaga na hindi niya mararanasan ang mga susunod pang taon.
Anyways po, iyon lang. sana naiintidihan nyo. Baka kasi po inisiip ninyo na kinalimutan lang kayo.
Bye bye po!