Sa mundong puno ng mga kulay, tanging pula lang ang mahalaga kay Hanata, May kakaibang kapinsanan ang kanyang mga mata na nagbibigay sa kanya ng abilidad na makita ang Red String of Fate ng bawat tao. Ang akala niyang biyaya ay naging sumpa nang makita niyang ang sinulid ng kanyang boyfriend ay nakatali pala sa kanyang matalik na kaibigan.
Sa gitna ng sakit, napansin ni Hanata ang sarili niyang sinulid isang napakahabang hibla na tila walang hangganan ang dulo. Sabi ng matatanda, kung sobrang layo ng sinulid, maaaring ang dulo nito ay wala sa kasalukuyan, o baka wala na sa mundong ito sa tulong ng apat na lalaking may kanya kanyang misteryo, tatahakin ni Hanata ang landas upang hanapin ang dulo ng kanyang pulang sinulid.
Gaano ka kalayong handang
pumunta para sa taong nakatadhana sa iyo?
https://www.wattpad.com/story/407697833