@chimiinn_ Thank you so much sa pagmamahal kanila Jian at Jarenth. Promise ko sa inyo, after talaga ng story ni Ellai, sisimulan ko na ang The Last Bearer. Kasi di pwede simulan agad kasi mahugulu kayo. Connected kasi story ni Ellai sa The Last Bearer. Kung yung kwento ni Andress ay paghahanda sa pagsisimula ng kwento ni Jian, ang kwento naman ni Ellai ay paghahanda para sa pagtatapos ng kwento ni Jian. Nakaplano na talaga silang lahat. Kahit ako, hanggang ngayon pakiramdam ko hindi mabubuo ang Bearer Series ko kapag di pa nasasara ang unfinished love story nila Jian at Jarenth.
Ito lang ang maipapangako ko, sa book 3 mas mamahalin niyo ang mga karakter. Magsasama-sama na ang mga nabuong Characters sa JTBB at sa Andress pati sa kwento ni Ellai. And yes, BUHAY si Jarenth, pero paano. Yun ang aabangan niyo. Pagbubutihin ko yun promise para di kayo magsisi sa paghihintay ng matagal