SomeoneElseToLove

Kelan ba ako magkaka-lovelife? 

SomeoneElseToLove

Dear The One,
          
          please. kailangan kita ngayon. alam mo ba kung paano ako nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon? alam mo ba kung ilang luha na ang pumatak na dapat sana ay, napunasan mo gamit ang mga kamay mo? alam mo ba kung ilang gabi akong gising habang pinapanalangin na kinabukasana e, makabangga kita sa kalye o magpakita sa tapat ng bahay namin?
          
          hindi mo naman kailangan ng magarbong entrance sa buhay ko eh. hindi mo naman kailangan dumating na nakasakay sa kabayong puti katulad ng prince charming ni Cinderella. ang kailangan ko lang naman ay ang presensya mo. kung alam mo lang kung gaano ako ka-excited sa pagdating mo. kung alam mo lang. sabik na sabik na ako sa init ng bisig mo. sabik na sabik na ako sa mga 'i love you' mo. sa mga 'hindi kita iiwanan' lines mo. 
          
          kaya please, magpakita ka na. mahal na kita eh. 
          
          gusto na kitang yakapin. gusto na kitang makita. gusto na kitang makilala. 15 years na ako na nandito sa earth, ni-anino mo, hindi ko pa nakikita. please. hanggang ngayon, naghihintay ako sa pagdating mo. sana lang magpakita ka na. o magparamdam man lang. mamahalin kita! ❤ i promise. 
          
          i just need someone to lean on, someone to talk to. i may not be perfecr for you, but i will do my best to be deserving. hihintayin parin kita.
          
          - still here in my tower
          SomeoneElseToLove, Grace

hersheysbae02

@SomeoneElseToLove  Np :D Don't worry..... After all the waiting will be worth it.... sa TAMANG PANAHON XD
Reply

SomeoneElseToLove

@babylove290 yes. thank you ha! ♡
Reply

SomeoneElseToLove

 #hugotSETLove
          
          Hello sayo. 
          
          una sa lahat gusto kitang pasalamatan dahil sa lahat ng ginawa mo sa akin. sa paglilibre mo sa akin. sa paglaro ng buhok ko para (ewan. magpapapansin?) salamat dahil lagi kang nandyan para sa akin. maraming salamat dahil kahit kelan, hindi mo ako iniwan. higit sa lahat, maraming salamat sa love. thank you for loving me. thank for appreciating my every single effort. thank you for loving every part of me.
          
          i want you to know, that i  have been dreaming to be loved by a guy like you. yes. no lies. i have been praying for someone who would appreciate my every single move. pero sorry. hindi ko kasi masuklian ang lahat ng ginawa mo para sakin. 
          
          naiiyak ako. dahil nagui-guilty ako.mga ngiti at thank you lang ang maibibigay ko sayo. hindi ko mababalik ang pagmamahal na binibigay mo sa akin. ayoko kasing maging unfair sa iyo. kahit na sinasabi nila na piliin kita, kasi mahal mo na ako,hindi ko naman magawa kasi, hindi ko feel. ayokong pilitin ang sarili ko. ayokong lokohin ang sarili ko. ayokong lokohin ka. hindi ko kakayanin.
          
          ayoko din namang masira ang iniingatan kong friendship. dahil kapag nawala yun, mamimiss ko agad ang mga tawa at halakhak na binibigay ko.sorry talaga. iyak lang ang nagagawa ko ngayon. kung alam mo lang kung ilang beses na pumasok sa isip ko ang -mahalin mo na alng siya kasi mas deserve ka niya, maalagaan ka niya. 
          
          pero, hindi ko talaga kaya. ayoko namang gawin kang panakip butas o rebound. i just want to hug you and whisper, -salamat. maraming salamat. mahal kita, aking bestfriend. 
          
          

KimmmmmPerez_

@SomeoneElseToLove "thank for loving every part of me
Reply

FunnYallleeexxx

@SomeoneElseToLove tama naman si ate, hindi naman pwede na pilitin nya ang sarili nya. unfair nmn yun dba ate?
Reply

SomeoneElseToLove

 #hugotSETLove
          Ikaw ❤ 
          
          Ano ba ang unang pumamasok sa utak mo kapag sinabi mong 'ikaw' ? Ako, ewan. Yung mahal ko?
          
          Hoy! Ikaw! Oo, ikaw! Alam mo ba na mahal kita? Mahal na mahal kita! Pero ano na ngayon? binabalewala mo lang ako. minahal mo naman ako dati, pero ngayon? anyare?
          
          Kilala mo ba ako? hindi? oo nga naman. paano mo naman ako makikilala? KINALIMUTAN mo nga pala ako. pero magpapakilala parin ako sayo. ako nga pala ito, yung SINAYANG MO. ako nga pala yung nagmahal sayo ng TODO. ako nga pala yung nagtangol sayo nung ika'y tawaging bobo. ako nga pala yung binalewala MO. ako nga pala yung PINAGLARUAN mo. 
          
          masaya ka na? naloko mo ako. masaya ka na? napaglaruan mo ang katulad ko? alam mo, pwede mo namang sabihin sa akin ng diretso eh. pwede mo namang sabihin sakin na AYAW MO NA SA AKIN. hindi yung gagawa ka ng kung ano anong dahilan. dahil mas nasaktan lang ako dun. 
          
          ano ba naman yung sasabihin mo sa iba na pinakawalan mo ako kasi HINDI KAMO TAYO BAGAY?! bahil wala kang maibubuga?! dahil hindi ka matalino tulad ko? hindi mo ba naintindihan na minahal kita kasi kung ano ka, at hindi dahil sa ano ang kaya mong gawin. masakit yun.
          
          NAGING TRUE AKO SAYO. BAKIT SAKIN, HINDI?! hindi fair! gusto kitang murahin, gusto kitang saktan, pero hindi ko kaya. kasi nga, tanga ako. tanga ako dahil minahal kita. masakit. pero ano naman ang magagawa ko? hindi ko nmn hawak ang kaligayahan mo. may iba ka na. alam ko naman yun. wala akong magagawa. gusto ko lang malaman mo, nasaktan talaga ako ng TODO. 
          
          bakit? minahal din kasi kita ng TODO. 
          
          

SomeoneElseToLove

hi @isabella_horanXOXO hindi naman siguro. hindi naman ata lahat ng lalake pare pareho bebe! :* okay lang ako. move on na lang tayo. 
Reply

isabella_horanXOXO

@SomeoneElseToLove mga lalake tlga mga wlng kwenta. mga walang puso. laging ginagawang barbie doll ang mga babae. pinaglalaruan lng. mga hindi sincere. ang sasarap kalbuhin. mga wlng titi,
Reply

KimmmmmPerez_

@SomeoneElseToLove bubugbugin na ba namin ate?
Reply

mndz_joycep

Dinelete niyo po ba ang A Kontrabida Lady or mabagal alng po ang net ko? 

SomeoneElseToLove

@_iambeingloved hahahah. hindi . inunpublish ko lang . ibabalik ko yun. i cocomplete ko muna :*
Reply

SomeoneElseToLove

Dear Diary,
          
          Medyo urgent ito kasi, gusto ko na talagang i-express ang na fee-feel ko. Ngayon ay 2:37PM at kakatapos lang ng Eat Bulaga Kalyeserye. Alam naman natin kung ano ang dahilan kung bakit tayo nanonood nun.
          
          TAAS NG KAMAY! -mga taong kinikilig sa ALDUB (mga taong single na kinikilig LANG sa Aldub) huhuhu.
          
          Kanina, lumuwas kami ng padher ko para magayos ng mga bagay-bagay. Hmp. Hindi ko na lang sasabihin sa iyo kung ano ang 'inayos' namin kasi baka may makaalam ng aking secret identity.
          
          Napaka-haba ng pila. Kahit na 7:00 AM palang eh, dagsa na talaga ang mga tao. Sorry. Pero sa mga taong katulad ko na matatawag na HOPELESS ROMANTIC, nag-hanap ako ng pogi.
          
          Sorna. Kashi naman, hindi ko pwedeng ilabas ang phone ko para malibang dahil baka mahablot ng snatcher o kahit ano man yan. Again, sorna.
          
          And it was so unxpected! Maniwala kayo. Parang entrance ng leading man sa isang Wattpad story ang pagbangga niya sa akin. Grabe. Nung una ikinainis ko yun kasi hindi siya marunong mag-sorry. Totoo naman e! Ganun na ba ako kalit para hindi niya ako makita?! MYGERD!
          
          Anyways, so ayun. Binangga niya ako mula sa likod at nawala ako sa linya! Kumunot naman ang noo dahil sa inis! Please, huwag niya sanang isabay ang "magarbong" niyang entrance sa pagdadalaga ko! Second day ko kaya!
          
          Tinignan ko siya at, "SH!T ANG POGI NIYA!" Seryoso! Sabi ko nga sasirili, 'Sure ako, hindi ito ang first time na nagkita kami.' Swear. Parang nakita ko na talaga ang lalakeng iyon. Nakakatakot isipin pero, totoo.
          
          For some reason, nag-eye to eye kami and ang dating sakin ng tinginan na yun ay, "Hello." (na ako lang ang nagassume) From a far tinitignan ko lang siya.  Pilit na inaalala kung saan ko talaga siya nakita. 
          
          Tas, bigla kaming nagkalapit sa counter. Some part of plan talaga ni God. Pang-1739 kasi ako, samantalang siya, pang-344 ata. Pero isipin mo, nakalapit talaga kami sa counter. Super lapit, halos magkadikit na ang mga balikat kung hindilang nakaharang ang isang folder-size plywood.

SomeoneElseToLove

@Pink_Jin hahahhhaha! tama po kayo. huhu ):
Reply

Cyreee

@SomeoneElseToLove nys lab peyrs sight daw.. luh!meron ba nun? gutom lang yan :) 
Reply

SomeoneElseToLove

Pssst! Poging Prince Charming,
          
          Wahahaha! Magpapakilala nga po pala ako sa inyo. Ako ay isang manga-gancho na nagnanakaw ng vanilla ice cream sa 7-Eleven pag-patak ng 10:17PM ng gabi. Then I met you, naghahanap ako ng kapwa kong manga-gancho, para 'partners in crime' tayo! 
          
          Hahaha! Joke! Hindi kasi kita kilala at hindi pa kita nakikita. Kaya wala siguro akong masabi eh. Sorry. Uulitin ko na lang intro ko.
          
          Hi (ulet). Ako nga pala si (the ever so beautiful) Grace, asawa mo. Kahit hindi pa kita nakikilala MR. Destiny, miss na kita. (Achuchcu! Ang sosyal ng pen name ni kuya oh! Siguraduhin mong papasalamatan mo ako dahil sa pngalang iyan.)
          
          Anyways, this thing is for you! Yehey! Masaya ka ba? Well, sana. Ang lakas ng charm at kalandian powers mo. Hindi pa nga kita nakikilala, inlove nainlove na ako sayo! Sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang katulad mo? (SO PERF!) I'm so inlove with you MR. DESERVING. Please, huwag kang magtaka. Seeing you in my dreams every night is not easy thing. The fact na, inlove na inlove ako sa taong hindi ko pa nakikilala. Mas masaklap pa sa LDR o mastuck sa traffic ng EDSA na ihing-ihi.
          
          Aaminin ko, gusto na talaga kitang makilala, kahit na alam ko na matagal pa bago dumating ang araw na yun. Pero hindi ko talaga maiwasang mag-imagine.
          
          Sa tuwing mag-babasketball ka, hindi ako titigil sa pagsigaw ng "GO MY SEXY MVP!" o kaya naman "KAYA MO YAN!". 'Pag dating ng araw, huwag ka sanang magsawa sa lasa ng (matabang) luto ko. Hindi man ako ang matatawag na PERFECT PARTNER, sisiguraduhin ko naman na mamahalin kita ng walang labis, walang kulang.
          
          Corny ba? Sorna.
          
          I LOVE YOU (future) HUBBY!
          Naghihintay,
          Grace
          
          PS: Please magdala ng icecream at pizza pag nagmeet na tayo!)

isabella_horanXOXO

@SomeoneElseToLove tanga po s Mr. R pinakawalan ka niya ate grace
Reply

dota2lich

ASApuso m nko???
Reply

geonppiyak

Pa-follow back po kung gusto niyo po :) at tsaka pabasa din ng isang story ko, kung ok lang sayo. Thank you <3

geonppiyak

@Marieru_chan Yung First love with a stranger na lang :) Thanks
Reply