Hello~
Kamusta ang lahat? It's been a month or a year? Haha, di ko na rin alam. A lot has happened to me lately, it's been a mixed of stress, anxiety, and blessing.
Skl, as soon as January 2023 happened, doon na ko nagsimulang tumigil sa lahat ng hobbies na ginagawa ko. Kahit itong pagsusulat tinigil ko, para lang makapag-focus, saan? May board exam ako ng September 2023. From January to August hindi ako mapakali, haha. Ganoon siguro talaga kapag magtetake ng board exam. 'Yung pagiging overthinker ko, mas lumala. What if 'di ako pumasa? Ano ng gagawin ko? Ano kayang iisip ng pamilya ko?
Jusko, hindi ko talaga makalimutan ang experience na 'yon. Sabi ko talaga sa sarili ko no'ng nasa exam site na kami, "Hindi na 'ko babalik dito for the same reason." Pano ba naman kasi, sa Baguio City kami nag-take ng board exam. 'Yung lugar kasi na 'yon para sa'kin ay bakasyunan, yung pwede kang magrelax and such, kaso doon kami nagtake ng exam... Ayun, walang relax-relax sa'ming magkakaibigan, haha.
Anyway, it's been a month since we took the board exam and find out the result... I'm happy and blessed, kasi... PUMASA KAMI!
Yes, nakapasa po ako! Thank you, Lord! T____T
Sulit yung puyat, lagnat, at sakit ng katawan, haha. Congrats din sa mga kasama kong pumasa! Dasurv natin mag-relax, haha! <3
Btw, I'm not going to rush my story. So, baka from time-to-time lang ang pag-u-upload ko, hehe. Thank you for understanding!
Love lots,
SophiaCath~