Spongklong.

Satisfying my boredom through writing total randomness. And sometimes, things that I encountered, learned, etc.

Minsan, 'pag bagot ako, nagbabasa ako. 'Pag sobrang bagot na, may matititigan akong isang salita (e.g. "next"), at tatanungin ko na and sarili ko tungkol sa existence ng salitang yun. "Next". "Next". Kakaiba ano? X tsaka T. Next. Weird. O kaya bubuksan mo yung ref niyo, maghahanap ng kukutkuting pagkain. O kaya manunuod ng pelikula sa HBO. O sa Star Movies. O sa Kapuso Movie Festival. O kaya matutulog na lang. O kaya maglilinis ng bahay. Pero sa bahay pa lang yan. 'Pag nasa school ka na, mas marami: mula pakikipag-usap sa katabi mo, sa bestfriend mo hanggang sa pagva-vandal. Lahat na.

Ayoko sa mga taong boring kasama, salungat kung iisipin dahil may mga "boring" na genes na nananalaytay sa dugo ko (o sa DNA ko ata. . . o sa kilikili ko). Ironic. Buhay nga naman.

BS Statistics nga pala course ko ('di ko alam kung bakit kailangan ko pa 'tong banggitin). 'Stig pakinggan 'no? STATISTICS. Tunog mangagatok sa mga bahay tsaka magsu-survey kung ilan kayo sa pamilya, ilan ang buhay, ilan ang patay, ilan ang may sakit, ilan ang nag-aaral, at ilan ang may crush kay John Lloyd. Pero 'di lang yan yung pwedeng maging trabaho ng isang future Statistician. Marami pa.

Medyo formal ako 'pag nagta-type, with matching pangktweysyon marks pa. Tinatagalog ko naman minsan yung ibang English words ng literal. Tulad ng "pangktweysyon". 'La lang. Trip-trip din.

Kaya samahan niyo ako't ubusin natin ang oras natin sa paggawa ng mga bagay na 'di natin kinakailangan. Tulad ng pagsasayang ng perang pinang-lo-load lang para makapagtext, pagbababad sa Facebook, paninigarilyo, at iba pa. Dahil sa kabagutan, kung anu-ano na lang gagawin mo para mapatay 'to.

Time check: 12:19AM. Medyo inaantok na 'ko.

Sino na nga pala ako?

Spongklong. (Search mo na lang sa Google kung ano yan. Pantanggal din ng kabagutan ang pagse-search ng kung anu-ano sa Google.)
  • Pasig
  • JoinedJuly 2, 2011