I'm leaving wattpad soon.
Regarding my stories, don't worry. Tatapusin ko pa rin ang Stella Royal Games. Hangga't hindi ko pa naki-click ang 'complete' sa story status, hindi ako aalis. Haha.
Unfortunately, I have decided to remove House of Cards and She's A Takashi. Nasa simula pa lang ang storya, at kung tatapusin ko 'to, baka abutin na naman ako ng 2 years sa sobrang bagal kong mag-update. Haha. Baka hindi na ako maka-alis.
Pinag-iisipan ko pa kung idi-delete ko na ba ng tuluyan ang account ko or iiwan ko na lang na ganito at naka-post pa din ang completed stories ko. I've created tons of memories here, so probably there's a high chance of choosing the latter.
It's been three years since I joined wattpad. Naging reader, supporter hanggang napunta sa pagiging instant on-the-spot-plot writer. Sa pag-alis kong 'to, hindi ko alam kung babalik pa ako o hindi na. Although one thing is for sure: Three years is enough to fulfill Kyamii's adventure.
Hindi pa 'to ang farewell message ko. Haha. Tatapusin ko pa ang Stella Royal Games. You can still reach out to me. Matagal nga lang akong magreply. Haha sorry.
Marami pa akong gustong sabihin but I guess I'll save it for my last message. Sa ngayon, gusto ko lang magpasalamat. Kasi nananatili pa rin kayong nandyan at sumusuporta sa'kin.
Kaya, salamat.