Hello mga Palangga!
NEW STORY RELEASE!!!
Tittle: Bound by Fate's Chained
"B-Bakit po ngayon? Bakit hindi mo na lang ako tuluyang pinalaya?"
"Ang mga pag-aari ay hindi basta-basta pinapalaya, Serena."
Labindalawang taong gulang pa lang si Serena Celeste Ferrer nang kunin siya bilang kabayaran sa utang ng kanyang pamilya. Mula noon, lumaki siya sa loob ng mansyon ng lalaking kinatatakutan ng marami—Magnus Lucien Leviste—isang malupit na CEO na may lihim na katauhan bilang pinuno ng isang makapangyarihang mafia.
Lumipas ang mga taon. Habang unti-unting nagkakaisip si Serena, unti-unti rin siyang natutong mangarap ng kalayaan. Ngunit sa bawat hakbang palayo, lalong humihigpit ang tanikala ni Magnus. Hindi ito basta obsession — kundi isang pagnanasa na nagmumula sa dilim. Isang pagkontrol na nakabalot sa katahimikan.
Isang halik. Isang utos. Isang tingin.
Lahat ng iyon, hindi na kayang tanggihan ni Serena. Dahil hindi lang puso niya ang hawak ng lalaki… kundi pati kaluluwa.
Ngunit sa pagnanais niyang makawala, matutuklasan ni Serena ang mas masakit na katotohanan: mas malupit ang mundo sa labas ng hawla ni Magnus, kaysa sa mundong kinulong siya nito.
Sa pagitan ng pagmamahal at takot, pag-aari at paglaya, sino ang tunay na halimaw? At sino ang totoong bihag?
Thriller Romance
Obsession. Pagmamanipula. Pag-ibig na nakakasira.
Pagitan ng kaligtasan… at kapahamakan.
#BoundByFatesChained
I-follow na para hindi ma-miss ang update!
https://www.wattpad.com/story/391139052-bound-by-fate%27s-chained