Kahit na anong gawin mong mabuti, sa isang pagkakamali lang, hinuhusgahan ka na ng mga tao.
Pero bakit nga ba may mga taong mapanghusga kahit hindi naman nila alam ang totoong nangyari sayo?
At kahit na nakita nga ng mga mata nila ang nangyari, ikinukwento nila ito sa iba kahit kulang pa naman iyon sa impormasyon. At kung minsan, dinadagdagan pa nila para lang mapag-usapan ka.
Ngunit... Bakit kailangan pang umabot sa punto kung saan unti-unting nawawala ang mga taong importante sayo dahil lang sa isang pagkakamali.
Si Rheana... Ang isang babaeng ubod ng kulit pero mabait, maganda at may mabuting puso. Na ginahasa ng isang lalaking tinuring niyang kaibigan.
Pero, kahit isang tao... walang naniwala.
At sa pagkakataong iyon, siya ba ay may karapatang magalit sa boyfriend niyang iniwan siya at hindi na hinayaang magpaliwanag pa?
Bakit kailangan pang tutulan ng tadhana ang kanilang pag-iibigan?
Mali ba talaga ang ibigin siya?
Nagmahal lang naman siya.
Pagkakamali na siyang dudurog at wawasak sa puso mo.
*Rai'n_Sun writes*