Hay watty...
Eto nanaman...
Bakit ba palaging dumadaan yung mga maling tao?!
Nakakamatay talaga yang Jaywalking..
Hahahahaha!!
KAYA KAYO NASASAKTAN, DUMADAAN KAYO SA MALING DAANAN!!! HA!! gigil niyo ako eh!!
Buti nalang dahan dahan lang ako magmaneho, kaya huminto ako, pinadaan kita..
Kase kung hindi, kung go with the flow ako...
wala... parehas tayong masasaktan..
Maiistorbo mo lang ako.. kase may lakad ako eh... papunta ako dun sa appointment ko..
Kung nagkataong tinamaan kita...
Ay nako! Baka dumiretsyo ako sa ospital..
Eh galing na nga ako duon last year, ayoko nang bumalik sa ICU....
Hayss.. pasalamat ka.. nagiingat na ako ngayon..
Pero okay na tayo... mahalaga ligtas ka..
Ligtas tayo...
Sa susunod daan kana sa tamang tawiran ha..
Hintayin mo yung green light bago ka tumawid..
Tapos, kapag nag red.. stop yun...
Pag nagyellow.. wait lang... okay?
Eto na pala ako ngayon, sa kahabaan ng Edsa...
Traffic pero okay lang..
Patience is a virtue.. I'm learning how to wait..
Hindi ko pipindutin ang busina...
Kase alam kong papunta naman ako duon..
I'm on my yellow light. ☺