SuperGirlTypeA

Pero ngayon, may ibang problema si Zoey. Lagi siyang nao'option sa mga kaibigan niya. Kumbaga, second choice lang nila si Zoey. Hindi alam ni Zoey kung san siya lulugar. Si Oinky at May? Minsan lang siya maalala. Sina Bird, Pony, Keis, Kyla? Nakikisama lang siya sa grupong to. Si Pau at Kitty? Hindi naman niya talaga bestfriend to eh. Lagi nga siyang iniiwan. Si Kidney? Nararamdaman naman ni Zoey na nagsasawa na si Kidney sakanya eh. At si Athena? Hindi naman bumalik yung friendship nila dati eh. Kasi ngayon? Iba na bestfriend niya. Hindi na si Zoey. Kaya ngayon, magisang hinaharap ni Zoey lahat ng problema. Wala na siyang mapagkatiwalaan. Wala ng masabihan ng sikreto. Wala ng makasama. Hirap non. Pero kinakaya niya. Ngayon? Hindi niya alam kung itutuloy niya pa feelings niya para kay Glenn. Hindi niya na alam gagawin niya sa buhay niya na iniisip niya nalang, na mawala sa mundong to. Kasi feeling niya wala na siyang kakampi. Iniwan siya ng lahat. Nahihirapan na kasi talaga siya. Nahihirapan na si Zoey. Nahihirapan na.... AKO. 

SuperGirlTypeA

Pero ngayon, may ibang problema si Zoey. Lagi siyang nao'option sa mga kaibigan niya. Kumbaga, second choice lang nila si Zoey. Hindi alam ni Zoey kung san siya lulugar. Si Oinky at May? Minsan lang siya maalala. Sina Bird, Pony, Keis, Kyla? Nakikisama lang siya sa grupong to. Si Pau at Kitty? Hindi naman niya talaga bestfriend to eh. Lagi nga siyang iniiwan. Si Kidney? Nararamdaman naman ni Zoey na nagsasawa na si Kidney sakanya eh. At si Athena? Hindi naman bumalik yung friendship nila dati eh. Kasi ngayon? Iba na bestfriend niya. Hindi na si Zoey. Kaya ngayon, magisang hinaharap ni Zoey lahat ng problema. Wala na siyang mapagkatiwalaan. Wala ng masabihan ng sikreto. Wala ng makasama. Hirap non. Pero kinakaya niya. Ngayon? Hindi niya alam kung itutuloy niya pa feelings niya para kay Glenn. Hindi niya na alam gagawin niya sa buhay niya na iniisip niya nalang, na mawala sa mundong to. Kasi feeling niya wala na siyang kakampi. Iniwan siya ng lahat. Nahihirapan na kasi talaga siya. Nahihirapan na si Zoey. Nahihirapan na.... AKO. 

SuperGirlTypeA

May iba palang mahal si Armel. Yun ay si  Maica. Maganda si Maica, ano nga naman ang laban ni Zoey, diba? Kaya sumuko si Zoey. Ilang beses na siyang umasa't nasaktan. Ayaw niya ng maranasan ito. Sinubukan niyang magmove on ulit kay Armel, habang hindi pa lumalala yung feelings niya para kay Armel. 
          
          Ilan araw din bago tuluyang makamove on si Zoey kay Armel. Tanggap niya na daw kase na paasa talaga si Armel. Kaso, bumalik ang feelings niya para kay Glenn. Nakakabaliw. At ngayon, eto patuloy na hindi makalimutan na may feelings siya ulit para Sa kinalimutan niya dati na si Glenn. 
          

SuperGirlTypeA

"Ang payo ko lang sayo. Dapat sabihin mo na kay Athena. Tulad niyan, natatakot ka na baka sa iba pa niya malaman?" Yan ang eksaktong sinabi ni Kidney. Hindi talaga kase alam ni Zoey kung ano yung gagawin niya. 
          
          Patagal ng patagal, muling nagkaron ng connection sina Zoey at Athena. Nagdrama si Zoey, na sobrang pagod na siya at nahihirapan. Dahil magbestfriend sila, kilala na ni Athena si Zoey. Kaya ayun, Nalaman ni Athena yung totoo. Pero Hindi siya nagalit. In fact, masaya pa ito para kay Zoey. Walang ibang naramdaman si Zoey kundi galak at saya. Kinabukasan kwinento niya ito kena Oinky. "Magadvance ka naman Zoe." Ang sabi ni Oinky. Iniisip kasi ni Oinky na baka niloloko lang ni Athena si Zoey sa 'Baitan kuno' Ikinagalit yun ni Zoey. Dahil may tiwala siya kay Athena na hindi gagawin ni Athena yun. Nakaraan kase ay nagdate silang magbestfriend at may nakwentong negative traits si Athena tungkol kay Armel. Which is dahilan kung bakit hindi na nagkakagusto si Zoey kay Armel.

SuperGirlTypeA

Simula nung araw na yun, si Armel nalang ang lagi niyang naiisip. Possible ba daw ba kaya? Hindi niya alam yung gagawin niya. Addicted siya sa books. She likes reading. At ang favorite genre niya ay tungkol sa badboys na nainlove sa inosenteng nerds. Una niyang naisip dun ay si Armel. Tulad ng sabi ko, Sa una palang badass na ang dating ni Armel. Astig siyang tignan kasama ng mga kaibigan niyang sina Aboley at Manuel, at may iba pa. Naisip niya, possible bang, ito na yun? Patagal ng patagal nafall siya kay Armel. na alam niyang Hindi pwede. Kaya una palang, pinigilan niya na ang feelings niya para kay Armel.  Dahil alam niyang may masasaktan at ang bestfriend niyang si Athena iyon. Pinigilan niya, sobra. Pero patagal, hindi niya nakayanan. Nalaman nila Oinky at iba pa niyang kaibigan. Panghuli nalang si Kidney. Humingi pa siya ng advice Kay Kidney kung okay lang ba yung pagkakagusto niya kay Armel. 

SuperGirlTypeA

Sawakas... Pumayag na lumabas si Zoey. Nasa tapat na sila ng pinto, exactly nasa labas. Nang babalik sana papasok si Zoey, dahil ayaw niya. Pero tinulak siya ni Pony palabas. Bumili sila sa tindahan. Wala namang binabanggit si May sakanya. Tumagal na at Nagsabi na sila na pumasok na sa room. Pagdating nila sa room agad sumigaw si Zoey. "Oinky! Nakalabas nako." Sigaw niya. Tumatawa si Oinky na tinanong kay May kung totoo. Tumango si May at lumapit kay Oinky. "Oo. Grabe. Katingin pa sakanya ni Armel." Sabi ni May. na ikinagulat ni Zoey. Hindi siya maniwala. Humingi sila ng sign. To cut the story short, naging totoo ang sign nila. Ang sign na pag tatlong beses tumingin si Armel kay Zoey, ay ibig sabihin si Zoey nga talaga ang tinitignan ni Armel.

SuperGirlTypeA

Kahit naman ganun. Nangungulila parin siya sa best friend niya dati na si Athena. Pero no choice siya kase wala na. Nagkaron din ng bagong bestfriend Si Athena. Patagal ng patagal, wala ng napupusuan si Zoey.☺ Isang araw, sinubukan nina Oinky at May ang pagandahin si Zoey, tutal 3 days nalang Christmas break na. Syempre kasama sina Bird, Kyla, Keis, Pau at Yung isa pang kasama nila na si Pony. Pinaganda nila si Zoey. Si Zoey ay yung taong hindi mahilig magpaganda. Nabubuhay nga siya ng Isang buwan na hindi nagpupulbos ng mukha. Ganyan si Zoey. Hindi maarte. Sobrang nagulat sina Oinky sa natatagong ganda ni Zoey. Sabi pa ni Oinky "Zoey! Rampa ka sa labas. Dali!". Palagi kasi siyang sinasabihan na gumanda daw siya lalo. Ayaw niyang umalis sa tabi ni Bird, dahil sa pwestong yun nakatago siya sa atensyon. Pero sa pagmamatigas, niyaya siya nina Pony na bumili sa labas. Ayaw pa nung una ni Zoey. Kasi nga daw bka kung anong isipin sa itsura niya. Hindi naman pumayag yung mga kaibigan niya kaya pinilit siyang lumabas.

SuperGirlTypeA

Nagmove'on si Zoey. Kinalimutan niya si Glenn. Pero tuwing nakakakita siya ng maputi, matangkad at straight maglakad si Glenn agad ang naiisip ni Zoey. Pero sa Kay tagal na achieve niya ang goal. Ang kalimutan Si Glenn. Masaya siya duon. Habang sa friendship nila ni Athena unti ng nawala. Nagkaibang kaibigan si Zoey. Si Oinky at May. Palagi silang magkakasama. Lagi nilang kasama si Kidney (Friend of Zoey at the first part. nakalimutan lang) Si Kidney ang nakakaalam lahat ng tungkol din kay Zoey. Isa siya sa pinaka matalik na kaibigan ni Zoey. Nagkaron pa ng ibang kaibigan si Zoey. Sina Kitty, Bird, Keis, Kyla at Pau. Sila naman ang mga kasabay ni Zoey paguwi.

SuperGirlTypeA

Naiinis si Zoey kay Armel ng sobra. Ewan niya ba? Samantalang yung bestfriend niya inlove na inlove dito sa Armel na to.
          
           Patagal ng patagal. Hindi na nakayanan ni Zoey ang pananahimik. Chinat niya si Glenn. Yun nga lang sa kasabikan ni Zoey ay hindi naman pala siya kilala netong ni Glenn. Ang sakit lang. Nag-assume siya eh. Nawalan ng gana si Zoey kay Glenn. Kaya pinilit niyang pawalain yung feelings niya para kay Glenn. Hindi naman siya galit dito, Hindi galit si Zoey kay Glenn dahil lang sa hindi siya kilala neto. Gusto niya lang kalimutan kase masakit daw masyado. Alam niyang matalino si Glenn. At alam niyang walang oras si Glenn para sa mga bagay na to. 

SuperGirlTypeA

May babaeng nainlove. Pangalanin nating Zoey. Nainlove siya sa nerdy boy, pangalanin nating Glenn. Si Glenn ay matalino. Uhm? Weird?  May bestfriend si Zoey, na si Athena. Si Athena ay masayahin. Joker kumbaga.☺ May gusto si Athena sa kaibigan ni Glenn na si Armel. Unlike Glenn, si Armel ay mukhang badass. Mukhang masungit at payat. Haha. Laging kinekwento ni Athena si Armel kay Zoey. Samantalang si Zoey, wala namang pakialam kay Armel. Para sakanya, mayabang lang si Armel. Mayabang, panget, siga, payat at mukhang palaka. Yan nga! Yan ang turing ni Zoey kay Armel. Ewan ba ni Zoey, pero una palang, inis na inis na siya kay Armel.