
SuplingNiBonifacio
SuplingNiBonifacio IS BACK! Kapag may bumabalik ibig sabihin may bagong hatid! Samahan niyo akong muli sa'king paglalayag gamit ang mga salita't parirala na may bitbit na mga mensahe. Subaybayan ang "Mga Tula ng Akala" Maraming namamatay sa mga akala, subalit maaaring sa likod nito ay may mga haka-hakang pilit na pinanghahawakan ng kaluluwa. Muling ilalahad sa paraang patula ang nakakubling mga salita. Paano kung hindi nagkakamali ang mga akala? Paniniwalaan mo kaya?