Nabigo man ako sa pag-ibig, mayroon namang great love na dumating sa buhay ko kung saan tinuro niya sa akin kung paano lumaban, maging matatag at harapin ang lahat ng pagsubok sa aking buhay. Higit sa lahat, tinuruan niya akong magmahal ng totoo at tama. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil tinulungan niya akong magbago, at dinala niya ko sa maganda at maayos na buhay na hindi ko inaasahang magiging gano'n ako sa sarili ko. Maaaring hindi talaga kami ang para sa isa't-isa, dahil sa hindi siguro talaga iyon ang pinatadhana ng Diyos para sa amin, siguro ay siya ang ginawang instrumento ng Panginoon para dalhin niya ako papalapit sa kanya.
P.S: Thank you, my great love.