Hello! Buhay pa ako eme. Idk if naaalala ninyo ako HAHAHA! Ilang buwan na naman ang lumipas mula noong huli kong binuksan itong account na ito. May good news ako and bad news:
Ga-graduate ata ako nang wala na namang naisulat na kuwento asdgkjadgkg nakakainis
I realized na ang laki rin pala ng impact ng pag-decline ng self-esteem ko over the years. Nag-nose dive siya noong sinubukan kong sumali sa writer's club sa university tapos na-realize ko na ang laki pala ng agwat ng skill level ng iba sa akin :(( Nanliit tingin ko sa sarili (maliit na nga in real life). And even yung writing skills ko ay nag-stagnate at possibly nag-regress pa
Eventually, nawalan ako ng gana magsulat.Nawalan ako ng interes sa ginagawa ko. Lahat, parang may mali. Totoo naman. Pero porket ba hindi perpekto yung gawa ko ay hindi na ba ako magiging masaya para sa sarili? Para bang nawala yung "self-indulge" sa bokabularyo ko.
I... want to go back to writing. For real na talaga.
Maybe in my lifetime, hindi ko mararanasan yung maging sobrang ganda ng mga maisusulat ko. Maybe just enough siguro na maka-earn ng money kapag pinalad haha. Maybe hindi ko ma-a-achieve yung fame na ni-a-attach ko sa pagiging writer or ma-reach yung godly levels ng craft.
Maybe huli na ang lahat...
Pero I can try to be happy. I can try na ibalik yung zeal sa pagkatuto at sa paggawa. Sana achievable ang mga iyon.
Medyo napadaldal lang ako kasi I've been feeling lost lately (or I guess for months or a year). Marami pa akong gustong sabihin pero cut ko na muna haha!
Sa nag-follow sa akin noon, thank you for expressing interest in me HAHAHA! Especially siguro kung may nag-decide mag-follow after mabasa yung novels na ginawa ko noon. Wtf lang noh na natiis ninyo iyon haha
Sa friends na nakakakilala sa akin in real life, sorry for the random message kung gumagamit pa kayo ng Wattpad haha!
This is goodbye for now. Despite my hopelessness, naniniwala akong makakabalik ako.
Love you all and ingat lagi!