this message may be offensive
Minsan lang ako mag-drama kaya pagbigyan nyo na ako. Hohoho.
Pero seriously, noong nawala yung lahat ng chapters namin as drafts nawalan na ako ng gana sa LWTV. Parang nagu-update na lang ako para lang may magawa. Dati kasi nagu-UD ako dahil excited ako, dahil gusto ko, dahil natutuwa ako sa comments nyo lalo na sa comments ni @purplmushy kasi sya lang talaga yung hardcore mag-comment eh. Hoho.
Hindi ko alam, basta. Nawalan kasi ako ng focus sa story. May story din kasi akong tinatapos sa account ko talaga. Kaya fucked-up talaga lahat. Ayoko naman na sobrang tagal namin na hindi mag-update dahil pati kami, nakakalimutan din namin yung nangyari.
Tapos ngayon, nag out-of-town pa si Janelle (spoiler) eh chapter na nya ang ipo-post ko. Eh wala pa syang nabibigay sa akin na draft nya para ma-edit ko. Nabasag pa daw yung cellphone nya sabi ni Lea. Eh jusko. Paano na?
Pero habang binabasa ko yung comments nyo @Asdfelinarian @5VampsofSummerfever @purplmushy @AltheaVentula --- eto ang daming quotes na inalay neto eh. HAHA.
Gusto ko lang mag thank you sa inyo kasi sa 3 taong pagsusulat ko, ngayon lang ako nakahanap ng totoong reader. Yung feeling na kahit hindi tayo ganoon ka-close pero parang pinagsudlong yung intestines natin (mas mahaba ang intestines sa pusod)
Thank you kasi tine-treasure nyo yung sinusulat naming tatlo. Pero sorry kasi hindi ko talaga kaya mag-update. If I can, I would... but right now I can't. I really can't. Pero iba na ngayon. Kasi hindi na ako magsi-sign out sa wattpad (24 hours ako online, di ako matutulog. Char). Pero matatagalan talaga ang update.
Sanay naman kayo dun diba? Sanay naman tayong naghihintay, diba? Si Bradley nag di pa ako nililigawan eh. Charot.
-Nil X
P.S
Natatawa ako na naiiyak sa comments nyo.
P.P.S
Pero hindi ako biased ah! Lahat ng 35 readers ko, mahal ko. Lahat ng 91 followers kasama dito. Talaga lang na yung apat eh mga kakaibabe. Char.
Hindi na ako makapag-thank you. Pakshet yung wattpad hanggang 2000 lang. TY!