Sa araw-araw na mga pangyayari sa ating buhay ay sadyang iba-iba ang ating reaksyon.
Madalas masayang nagbibiruan at may mga kwentuhang "super nakakakilig" sa opisina;
Halakhakan hanggang mamaya masakit na ang tiyan sa kakatawa;
Minsan din naman nakakastress sa trabaho dahil maraming dapat tapusin;
Masaya naman sa eskwelahan dahil nakakasama ang mga nakakatuwang mga kaklase pero minsan sa dami ng kailangan tapusing project ay nakakaloka din.
Sa araw-araw na pagpasok sa opisina o sa eskwelahan na sakay ng Lrt/ Mrt/ Jeepney/ SUV o naglalakad man ay "madaming naglalaro" sa ating isipan;
Natatawa mag-isa, o nag-didaydreaming, naiisip ang "crush", kinikilig, o iniisip kung ano ang mga dapat gagawin sa buong araw...
Marami tayong tanong, maraming pangarap, maraming gusto gawin at maraming iniisip.
Pero kahit marami naiisip, madalas ang mga magagandang bagay at mga bagay na nagpapasaya sa atin ang ating nasa isip.
Madalas sa mga simpleng bagay ay nagbibigay na sa atin ng kasiyahan:)
"Nagpapasaya sa akin kapag nakikita, nakakausap, at nayayakap ko ang aking kaibigan na SPECIAL SA AKING PUSO...masaya akong makasama sya at madalas napapatawa nya ako."
Masaya din tayo kapag nakakalaro natin ang mga PETS tulad ng pusa na sobrang kulit na sobrang cute at malambing na kahit tayo ay busy araw-araw dapat nating alalahanin ang mga bagay na kahit "SIMPLE lang...ito ay nakakapagbigay ng KASIYAHAN sa atin".
At ang pinaka mahalaga ay ang pag-alaala kay God na Siyang nagbibigay ng lahat ng meron tayo ngayon at nagbibigay kasiyahan sa atin sa maraming bagay.
Be happy :) :)