ThrillOfTheHeart

Labis na pinasakitan ni Liandra si Margaret. Dahil dito ay malalagay sa alanganin si Leopoldo. 
          	
          	Saksihan kung paano magalit si Liandra sa taong nagtatangkang agawin ang kaniyang minamahal.
          	
          	Alamin dito lang sa Kabanata 11 ng AMANTE.
          	
          	: https://www.wattpad.com/1593777499

TheScruffyCatishMeow

Sorry for posting here :( 
          
          Baka naghahanap ka po ng book club na chill lang at the same time would definitely dive into your plot. I got it all for you. Just click the link below and mag-join ka :) 
          
          Thanks po :) 
          
          https://www.wattpad.com/story/249749301?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=TheScruffyCatishMeow

ThrillOfTheHeart

Bakit parang may pumipigil sa akin? Ang buong akala ko ay simple lang ang pinapagawa sa akin? Baka ikakapahamak ko pa ito.
          
          Huminga muna ako nang malalim. Itinatak ko sa isipan ko na baka pagsubok lang ito. Hindi ako magpapadala sa anumang pumipigil sa akin.
          
          Hinawakan ko ulit ang door knob. Himala, napihit ko siya at nabuksan ko ang pinto.
          
          "Arrgghh!"
          
          Napaupo ako nang madulas ako sa sahig na punong puno ng alakabok. Isang malaking portrait ang tumambad sa akin.
          
          "Liandra, My One and Only Love"
          
          Anong naging epekto kay Margaret nang makita niya na ang larawan ni Liandra? Saksihan sa Kabanata 9 ng AMANTE.
          
          : https://www.wattpad.com/1590739235

ThrillOfTheHeart

Pabalik na sana ako sa kwarto nang mag ring ulit ang telepono.
          
          Padabog kong sinagot ang tawag. "Hello! Kung sino ka man, please lang magsalita ka naman!"
          
          Para akong sinabuyan ng malamig na tubig. May narinig akong babaeng sumisigaw na para bang hostage at sinasaktan. 
          
          Nanghina ang tuhod ko at napalunok ako nang ilang beses nang may sumagi sa pandinig ko ang mga chants at tunog ng bell sa kabilang linya. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at namanhid ang mukha ko nang marinig ko na na may tumatawa na parang mangkukulam.
          
          "Hanggang kailan mo matitiis na hindi sagipin si Leopoldo? Ang kasintahan niya na lang ang paglalaruan ko." Tumawa ulit ito nang paipit na nagpabilis ng tibok ng puso ko sa sobrang takot.
          
          Hanggang sa narinig ko ang boses ng isang lalaki. 
          
          "Pakiusap Lliandra, huwag mo siyang sasaktan! Pangako, iiwanan ko na siya at magpapakasal na ako sa 'yo. Wala siyang kasalanan, hindi niya alam ang tungkol sa atin!"
          
          
          Can't get enough? Check it out now the Kabanata 8 of AMANTE!
          
          : https://www.wattpad.com/1586444278

ThrillOfTheHeart

Magmula nang ako ay nahuli ni Liandra na may kasamang ibang babae sa araw mismo ng aming kasal, hindi ko na tuluyang nasilayan ang pagsikat at paglubog ng araw. Ang aking mundo ay nababalot ng itim na mga sulok na para bang wala na akong mapupuntahan. 
          
          Ang parusang aking natanggap ay hindi ko inaasahan. Mananatili akong nakakulong sa isang bilog na bagay na habambuhay akong iikot habang ang musika ay tumutugtog sa isang kwarto.
          
          "Labis mo akong pinagmalupitan, Leopoldo. Hindi ko lubos akalain na ang mi amante ko ay dudurugin ang aking malambot na puso. Magdusa ka riyan!" maanghang na wika ni Liandra habang ako ay pinagmamasdan sa isang sulok kung saan nakapwesto ang isang plaka.
          
          Can't get enough? Read the complete parts of Kabanata 7 of AMANTE. Check it out now!
          
          https://www.wattpad.com/1581247475

ThrillOfTheHeart

Pumikit ako at kinuskos ang mga mata ko. Ano ba itong nakikita ko? Mukha siyang bampira na hindi ko masyadong makita ang mukha.
          
          "S-Sino ka ba? Bakit ka naririto?" Napalunok ako ng dalawang beses. "At b-bakit... Bakit ka nandiyan sa loob ng salamin?"
          
          Andami kong tanong, para namang hindi nakakaramdam ng takot. Tao nga ba ito? Hindi ako makapaniwala na may nakita akong ganito. Parang aatakihin ako sa puso sa sobrang nerbyos.
          
          "Ikaw... Ikaw ang dahilan kung bakit ako naririto at ako ay nakita mo." Lumitaw ang napakalamig na boses na para bang tinamaan ako ng palaso ni Kupido.
          
          "Ano? Teka lang. Hindi kita maunawaan. Bakit naman ako ang dahilan?"
          
          "Hindi mo ba napapansin? Alalahanin mo ang mga pangyayari mula kanina pagkapasok mo ng kwartong ito."
          
          The Kabanata 6 of AMANTE is now published! Check it out now!
          
          https://www.wattpad.com/1576279671

ThrillOfTheHeart

Miss, sigurado ka ba na kuha niyo iyan ng kaibigan mo? Bakit mukha mo lang ang nakikita ko at hindi ang iyong nawawalang kasama? May iba ka pa bang larawan?" nakakakilabot na sagot nito.
          
          "Ho?" Agad niyang ni-review lahat ng photos niya sa kaniyang phone at mukhang tama nga iyong guard.
          
          Nang tingnan niya lahat ng mga larawan sa kaniyang phone ay nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. Lahat ng kuha ni Margaret ay nabura ang mukha at nasasakupan ito ng parang mga ulap. 
          
          Nabitawan niya ang kaniyang phone nang manginig ang kaniyang mga kamay. Sa panghihina ng kaniyang tuhod ay napaluhod siya na diretso lang ang tingin na parang nawala sa ulirat.
          
          The Kabanata 5 of AMANTE is now published! Check it out now!
          
          https://www.wattpad.com/1576004991