Matagal-tagal na rin pala simula nang mabuksan ko ang account na ito. At aaminin ko, marami ang nagbago. Natapos na ang kontrata ko sa LIB. At hindi ko malaman kung ano ba rapat ang aking mararamdaman. Pero sa mga ganitong pagkakataon, mas nangingibabaw ang takot at paghihinayang -- takot na baka hindi na `ko muling makapagsulat nang naibibigay nang puno ang emosyong parating nakakulong sa loob-loob ko. Pero sa kabila nito, natutuwa ako na ang oportunidad na ito'y naibigay sa akin. Maraming salamat sa inyong lahat. SUSUBUKAN kong mag-upload ng kahit ano rito mamaya. Sana'y patuloy kayo na sumuporta.