HELLO! SINCE I'M NOT GOOD AT DESCRIBING MYSELF, HOW ABOUT A POEM? 😊😊
Ayokong maghintay sa hindi umuusad na trapik
Ayokong maghintay sa napakahabang pila pauwi
Ayokong maghintay sa kundoktor na matagal magbalik ng sukli
Ayokong maghintay ng matagal sa napagkasunduang tagpuan
Ayoko ng napipirme sa isang upuan
Ayokong maghintay sa pagkaing kay tagal lutuin
Ayokong maghintay sa ipapalabas na pelikula sa sinehan
Ayokong umupo ng dalawang oras sa simbahan
At higit sa lahat ayokong maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan
Pero para sayo, susubukan ko,
Susubukan kong maghintay, pumila ng napakahaba kung sa dulo nito
Makikita ko naman ang iyong mukha
Maghihintay ako sa jeep, tricycle, o tren
Kahit hindi na nila ibalik ang aking sukli
Magbabakasakali pa rin akong tayo'y magkalapit
Maghihintay ako sa ating tagpuan, maghihintay na baka ikaw ay mapadaan
Handa akong maghintay ng matagal at makipagkwentuhan magdamagan
Basta't alam kong kasama kita, katabi sa upuan
Handa akong panoorin ang lahat ng pelikula sa sinehan, dahil alam kong kasama kitang tatawa, matatakot, at iiyak
Handa akong maghintay sa simbahan, kung sa paglabas ko dito
Magkasama na nating haharapin ang mundo
Maghihintay ako sa pagsinta mong hindi umuusad
Sa mga mata mong sana sa akin naman matapat,
Iyong mga kamay na sa akin naman mapadpad
At mga paang titigil na sa paglakad dahil, sinta, ika'y aking nahanap na.
Mahal, para sayo handa akong subukan ang mga ito
Susugal sa tadhana, maghihintay sa tamang panahon, tamang lugar na ikaw ay dadating at ako naman ang iyong pipiliin.
- Miss Peregrine's Time Loop
- JoinedAugust 22, 2013
Sign up to join the largest storytelling community
or
3 Reading Lists
- Reading List
- 16 Stories
- Reading List
- 8 Stories